1
cheng: okay pictures natin nung high school, parang fresh na fresh
anne: oo, yun nga lang ang picture kong maganda pa balat ko e
cheng: yun kasi yung mga times na homeworks at exams lang ang pinoproblema natin e
anne: oo pero akala natin pasan na natin ang mundo
2
cheng: grabe anne! buti tumawag ka
anne: bakit?
cheng: kasi ngayon ko lang magagamit yung boses ko ngayong weekend e
3
cheng: tumawag si josh kanina from korea e, kinuwento ko sa kanya yung takbo ko
anne: o tapos…
cheng: sabi ko, takbo lang ako ng takbo, baka sakaling makarating ako ng korea…
…kaso lang hindi rin e kasi paikot yung track; dito pa rin ang uwi ko
4
anne: natapos mo na ba yung section na kailangan jan sa finance class mo?
cheng: oo, sus di ko naman maintindihan yung stocks
anne: pero ituturo ba yan sa inyo?
cheng: hindi ko alam. basta basa nalang ng basa
5
anne: hay naku cheng, ang mahal ng gasolina ngayon, sobrang nahihirapan ako ha…
cheng: i know! sobrang nagtitipid nga ako ngayon e, kaya eto, dito ako sa liwanag ng araw nagbabasa ng dyaryo para hindi gumamit ng kuryente
anne: ang tanda na natin, iniisip na natin ‘to…
6
anne: ano na ginagawa mo?
cheng: hay naku, binabasa ko pa rin ‘tong newspaper
anne: ano ba yan?! hapon na nasa dyaryo ka parin
cheng: anne, mahal ang dyaryo, sayang kaya kailangan basahin lahat
anne: o sige, gawin mo habang may araw pa, di na pwede mamaya at gagamit ka na ng ilaw.
7
cheng: anne, anong mas mahal, gumamit ng electric fan o ng airconditioner?
anne: di ba aircon kasi mataas ang horsepower na ginagamit
cheng: galing! ganda ng sagot!
anne: ay, ano ba ‘to, joke ba ‘to?
8
anne: cheng, alam mo yung easy-to-open-can na corned beef?
cheng: oo, bakit?
anne: hindi cya easy…
9
cheng: anne, teka tatawagan nalang kita ulit!
anne: o, bakit?
cheng: kasi palubog na yung araw, may 6 pages pa akong tatapusin sa libro
10
anne: cheng naalala mo ba yung kinuwento ko sa’yo tungkol sa … (yada yada!)
cheng: shucks! kelan ‘to?! di ko na matandaan!
anne: di ba, last year, bago ako bumalik ng pinas…
cheng: naku naman, tanungin mo pako ng last year, e yung kinain ko nga kagabi di ko matandaan
