Untitled - 2

Yakaping muli ang mundong kinagisnan
Halika’t yapusin, sana’y maunawaan

Sa kailalima’y aahon ang lakas
Babangon muli sa pag-idlip ang marahas

Pipitigin ng kamay ko ang kulambong bumabalot
Dahil nasa dugo ko ang mundong tinatawag na salot

Pilitin mang ang mga braso ko’y bigkisin
Magpupumiglas at lalabn ‘tong muli

Sapagka’t ang isip ay hindi natatali
Tatakbo, mangungusap, gagawang muli

Ito ang mundong sa aki’y nagsabi
‘Ikaw lang ang makapangyarihang makapaghahabi

‘Kapalaran mo’y hindi isusulat para sa iyo
Ngayong nagbangon ka’t sumunod sa ayon ng puso

‘Halika, anak simulan ang pagsulat
Babalik agad lakas, tapang at lahat

‘Pagka’t ang buhay mo’y sumulat sa papel
At hawak mo’ng mga sandata: isip at bolpen

‘Damhin ang lakas ng iyong pagkatao
Isulat sa papel, kahit pira-piraso.’

Leave a Reply