Florante at Laura Inspired
Yakaping muli ang mundong kinagisnan
Halika’t yapusin, sana’y nararamdaman
Sa kailalima’y aahon ang lakas
Babangon muli sa pag-idlip ang marahas
Pipitigin ng kamay ko ang kulambong bumabalot
Dahil nasa dugo ko ang mundong tinatawag na salot
Pilitin mang ang mga braso ko’y bigkisin
Magpupumiglas at lalaban ‘tong muli
Sapagka’t ang isip ay hindi natatali
Tatakbo, mangungusap, gagawang muli
Ito ang mundong sa aki’y nagsabi
‘Ikaw lang ang makapangyarihang makapaghahabi
‘Kapalaran mo’y hindi isusulat para sa iyo
Ngayong nagbangon ka’t sumunod sa ayon ng puso
‘Halika, anak, simulan ang pagsulat
Babalik agad lakas, tapang at lahat
‘Pagka’t ang buhay mo’y sumulat sa papel
At hawak mong mga sandata: isip at bolpen
‘Damhin ang lakas ng iyong pagkatao
Isulat sa papel, kahit pira-piraso.’
January 5th, 2008 at 10:10 pm
lagay kayo gintong aral ng bawat kabanata
October 20th, 2008 at 10:24 pm
anu ba yang ginawa mu????